Amber’s POV Hindi ako mapakali buong sandali. I can’t ruin our friendship and the good relationship just because of this misunderstanding. Alam kong hindi lang ang pagkakaibigan namin ang masisira kung hindi ang trabaho na rin namin kung sakaling hindi ito maaayos sa mas madaling panahon. Kaya kailangan ko itong ayusin ngayong araw. Hindi pwedeng buong buhay na lang na iiwas si sir Troy sa akin. Kung may gusto siya sa akin ay dapat sasabihin niya iyon sa akin sa mas madaling panahon. Lunch nang puntahan ko muli ang opisina ni sir Troy but I found nothing but only his secretary. Hindi ko alam kung nakabalik na ba siya rito sa kompanya niya mula kanina nang huling pumunta ako rito. Kailangan ko siyang makausap. Hindi pa rin niya sinasagot ang tawag ko kaya sigurado akong iniiwasan niya

