Amber’s POV “Tell me what makes you suffer Miss San Jose and I’ll give all the solutions.” Hindi kaagad ako nakasagot matapos niyang sabihin ‘yon. Nanatili lang akong nakatingin sa kaniyang mga mata habang ganoon din siya sa akin. Patuloy pa rin sa pagpatak ang mga luha ko pababa sa aking pisnge pero unti—unti na rin iyong tumila. Ano ang ibig niyang sabihin? Ano ang solusyon na tinutukoy niya? “Umalis ka na lang sa harapan ko, sir Luke. Pakiusap,” mahinang sambit ko lalo pa at pakiramdam ko ay mas lalo ko lang naramdaman ang magulong pag—iisip habang nakikita ko ang kaniyang pagmumukha. Hindi naman siya nakakatulong sa problema ko sa halip ay dinadagdagan pa niya! Akmang ipagpapatuloy ko na sana ang paglilinis nang mapahinto akong muli. Tuluyan na rin niyang nahawakan ang aking balik