Kabanata 42 •CHARM POV• "Sir Adam? Nahihibang na po ba kayo?" nag-aalalang tanong ko sa lalaking ngayon ay para ng babagyo dahil sa kakasuksok ng mga damit sa isang maleta. "Don't mind me my Queen, maupo kalang d'yan," inis na saad nito habang hindi parin ako tinatapunan ng tingin. Hindi ko naman iyon sinunod dahil nag-aalala ako sa sasabihin ng mga Kuya ko. Lumapit ako sa kanya at inagaw ang mga damit 'kong hawak hawak n'ya. "Sir Adam naman." Tinitigan n'ya ako ng masama na s'ya ko namang kinalunok. "Hindi mo ba narinig ang sinabi ko?" "Ano po bang balak n'yo?" tanong ko din dahil makokotongan ko na ito ng wala sa oras. "We're leaving." Doon naman umikot ang mga mata ko. "Sasama naman ako at hindi n'yo na po kailangan dalhin pa 'yang mga 'yan." Hindi n'ya ako pinakinggan at