Kabanata 41 •CHARM POV• Tulala na nakatingala sa madilim na kalangitan ang aking mga mata. Sinasariwa ang lahat ng naganap ilang oras lamang ang nakakaraan. Isang butil ng luha ang kumawala saaking mata nang maalala ang lahat ng nalaman. Naguguluhan ako pero may bahid ng saya ang aking pusong kanina'y wasak at duguan. Naguguluhan ako dahil nagtatalo ang puso't isip ko, dapat pa ba akong maniwala sa kanya kung nagawa na n'ya akong linlangin una palang? Saya dahil narinig ko sa maganda n'yang labi na minahal at minamahal n'ya ako pero heto't ang duda ay ayaw magpatalo. Naiinis ako sa lumalabas saaking isipan, gusto lamang nitong mag ingat at hindi ko ito masisisi. Pero ang puso ko'y iba ang isinisigaw, tila ba sisinasabi nito na hayaan lamang ang sarili na magtiwala sa lalaking iniibig.