•LOLA GLO POV• Inilapat ko ang kamay ko sa malinis na noo ni Charm, napakapayapa nitong tingnan habang napapalibutan ng iba't-ibang aparato. Napakatahimik at napakalungkot ng paligid tanging ang tunog lamang na inalalabas ng aparato ang umaalingawngaw sa napakalamig na kwartong ito. Mabilis kong niyapos ang sarili at malungkot na napatingin kay Adam na walang ganang nakaupo sa isang sofa. Bilang isang ina-inahan n'ya ay napakasakit sa parte ko na makita s'yang segu-segundong nasasaktan. Parang tinatahip ang bawat parte ng puso ko, wala akong naging anak kaya tanging s'ya lang ang pinagtuunan ko ng pansin sa mga dekadang nagdaan. Walang emosyon itong nakatitig sa katawan ni Charm, napayuko ako. Hindi ko kayang tagalan ang mapatingin sa kanya dahil kahit hindi ito magsalita ay ramdam n