Inilapag ko ang dalang bulaklak sa tabi ng kanyang puntod at mabilis na umupo sa malinis na damo. Napatingala ako sa napakapayapang kalangitan, wala kang mababakas na kahit anong sakuna na darating tanging ang mga masisiglang ibon na nagliliparan at maliwanag na araw kasama ang asul na kalangitan ang iyong masisilayan. "Kamusta ka?" tanong ko sa kawalan. Napalingon ako sa kaharap kong puntod at bahagya iyon pinagpagan gamit ang kamay. Dalawang taon ko na s'yang hindi na nakikita at inaamin ko na namimiss ko s'ya. Tinanggal ko ang iilang damo na nakaharang sa kanyang pangalan. "Sorry kung ngayon lang kita nabisita pagkatapos ng ilang taon." Napangiti ako ng maliit at pinagkatitigan ang kabuuan ng kanyang kinahihimlayan. "Hindi man naging maganda ang kinatapusan natin pero nagpapasalamat
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books