Kabanata 7
•CHARM POV•
Tila may nagkakarerahang kabayo na naman saaking dibdib dahil sa mga yabag na narinig na nagmumula sa makinis at makintab na tiles pababa mula sa padalawang palapag ng mansyo.
Sir Adam.
Napalunok naman ako sa sarili kong laway dahil sa hindi mapigil na kabang nararamdaman. Walang ibang haharap sa kanya kun'di ako dahil iniwan na ako ni Ma'am Glo. Masyadong malakas ang epekto n'ya sa akin. Hindi ko alam kung bakit gano'n ngunit ang importante, magawa ko ang trabaho ko sa kanya.
Habang pababa s'ya ng hagdan kasama ang mabibigat n'yang hakbang. Masyadong tahimik ang kapaligiran kaya naman damang dama ko ang presensya n'ya. Nakapaskil sa masungit at seryosong mukha n'ya ang blangkong emosyon. Masyadong s'yang seryoso at nakakatakot 'yun. Nakasuot ito ng isang simpleng t-shirt na v-neck na kulay puti at tenernohan ng isang short. Bakat na bakat ang kanyang matipunong katawan sa kanyang damit. Iniiwas ko ang aking tingin dahil papalapit na s'ya ng papalapit sa kinaroroonan ko.
Malaki ang lamesang naririto at puno lahat ng iyon ng ibat ibang putuhe at lahat ng iyon ay si Ma'am Glo ang naghanda. Bilib din naman ako sa galing n'ya sa pagluluto. Nagawa n'yang maghanda sa maiksing oras ng ganito kadami. Nakakapagtaka dahil si Sir Adam lang naman ang kakain pero parang isang barangay ang nakahanda dito. Nakakapanghinayang dahil paniguradong hindi ito mauubos dahil sa sangkatutak na dami ng pagkain. Naalala ko na naman ang probinsya, kung gaano kasaya ang mga tao dun kapag may handaan at kung gaano kasarap sila magluto. Naalala ko ang isa kong kaibigan sa probinsya na si Mang Sanngo, isa s'ya sa hinahangaan ko sa pagluluto. May edad na rin s'ya ngunit kung kumilos ay parang binata parin dahil sa kilos, pananalita at pananamit. Ngunit kahit gano'n ay hindi parin kumukupas ang husay n'ya sa pagluluto. Para s'yang si Ma'am Glo kung tutuusin dahil sa galing sa pagluluto ngunit sa pisikal na anyo ay magkaibang magkaiba. Masungit at mukhang mataray si Ma'am Glo talagang magkasalungat na magkasalungat talaga sila ni Mang Sanngo.
Napabalik ako sa reyalidad ng may narinig akong lagapak. Nakita ko si Sir Adam na nakaupo sa isang silya at galit na galit na nakatingin saakin. Nagtaka naman ako dahil sa inasta n'ya.
"Are you deaf or just a little stupid?"
Napalunok naman ako dahil sa sinabi n'ya, hindi ko s'ya maintindihan. Hindi dahil hindi ako marunong mag ingles o makaintindi ng ingles kun'di diko mapunto ang gusto n'yang iparating.
"Si-Sir?" utal na saad ko dahil parang papatay na s'ya kung makatingin saakin.
"I called you three times but you still ignored me!" galit na saad n'ya. Halos lumabas na ang ugat n'ya sa leeg dahil sa sobrang pagsigaw.
Hindi ko naman alam na tinatawag na n'ya pala ako, masyado akong nawala sa sarili at hindi ko na s'ya napansin.
"Paumanhin, Si-sir Adam may iniisip lang po ako kaya hindi ko agad kayo narinig," paghingi ko ng paumanhin.
"Tsh, Stupid!"
Napayuko naman ako. Siguro nga,
naku Charm! Umayos ka nga, wala pang isang linggo ganiyan kana agad.
Gusto kong sabunutan ang sarili ko dahil sa kagagahang ginawa ko na naman. Nanatili akong nakatayo at hindi gumagalaw at naging alerto sa mga ipapagawa n'ya, ayoko ng masigawan pa kaya aayusin ko na ang traba—
"What are your waiting for!?"
Naputol ang aking pagiisip nang bigla na naman s'yang sumigaw. Napatingala ako dahil sa ginawa n'ya. Napaatras naman ako dahil sa nakikita, kung kanina ay nakaupo at masama ang tingin saakin ngayon naman ay nakatayo na at nanggagalaite nasa galit.
"Si-sir Adam."
"Tatayo ka lang ba all of the time? Remember? You are the slave here, aren't you? So, what should you do?!"
Napatungo na lamang ako dahil sa mga salitang binibitawan n'ya.
"Answer me!"
"Pa-pagsilbihan kayo."
"Alam mo naman pala, bakit kapa nakatayo d'yan na parang poste? Move! I'm so fvcking hungry now!"
Dali dali akong pumunta sa kinaroroonan n'ya. Ang sabi ko pa naman ay aayusin ko na ang trabaho ko at iiwasan ko na masigawan ako pero heto na naman. Wala pang isang araw ay halos mahimatay na sa galit saakin si Sir Adam. Kinuha ko naman ang isang mangkok ng kanin at nilagyan ng kanin ang plato n'ya. Nanatili parin s'yang nakatayo at ramdam ko ang mga tingin n'yang nagmamasid sa bawat kilos ko. Pinipigilan kong manginig ang kamay ko dahil sa kaba.
Pagkatapos kong malagyan ng kanin ang plato n'ya ay tiningnan ko s'ya. Sumalubong saakin ang malamig n'yang tingin, napaiwas naman ako ng tingin.
"Sir, ano po ang gusto n'yong ulam?" Pinilit kong maging kalmado at maging normal kahit sa totoo n'yan ay gusto ko ng magpakain sa lupa dahil sa kaba. Hindi ko alam kung bakit, para laging may kabayong nagtatakbuhan sa puso ko sa 'twing and'yan s'ya. Masyado akong nadidistrak sa presensya n'ya ngunit trabaho 'to at kailangan kong pagbutihin.
"Kahit ano."
Napatingin naman ako sa kanya, medyo nakatingala paako dahil mas hamak na mas matangkad s'ya saakin. Ginantihan n'ya naman ako ng tinging 'may problema?' kaya naman wala pang segundo ay kinuha ko ang pinakamalapit na putahe.
Sinigang ang nakuha ko kaya naman naglagay na ako ng tama lang na sa tingin ko ay kasya na sa kanya. Pagkatapos noon ay nagbigay na ako ng distansya mula saamin dahil masyado na kaming malapit sa isat isa.
"Kung may kailangan pa po kayo, sabihin n'yo lang," sabi ko at binigyan ko s'ya ng simpleng ngiti. Tinaasan n'ya lang ako ng kilay at umupo na.
Napakasungit n'ya talaga para laging dinadatnat kung magmataray. Tahimik lang akong nagmamasid sa kanya. Kung sumubo ay dahan dahan na parang babae, nakatuwid ang likod at tahimik na kumakain. Ni walang ingay na maririnig mula sa kutsara at plato.
Mukha talaga s'yang karesperespeto sa mga galawan n'ya pa lamang. Gano'n ba talaga ang mga mayayaman?
Lumapit ako sa kinaroroonan n'ya at kinuha ang pitcher na may lamang malamig na tubig at sinalinan ang basong nakalaan sa kanya. Babalik na sana ako sa dati kong pwesto ng bigla s'yang magsalita.
"I want more, I'm still hungry."
Napatigil naman ako saaking paglalakad ng marinig ko s'yang magsalita. Napalingon naman ako sa kanya. Walang imik imik ay kinuha ko ulit ang isang mangkok ng kanin at muling naglagay sa plato n'ya at kinuha muli ang sinigang, lalagyan ko na sana ang plato n'ya nang muli s'yang magsalita.
"I want to try that one."
Turo n'ya sa isang putahe na nasa kabilang dulo ng lamesa. Tumango ako at pumunta doon upang kunin ang gusto n'ya. Menudo? Dali dali 'kong kinuha 'yun at dinala sa kanya.
"Ito po ba?" tanong ko
Pinagkatitigan n'ya ang menudo at sinuri ng mabuti. Nagtaka naman ako, ngayon lang ba s'ya nakakita ng menudo?
"What's this?" takhang tanong n'ya habang nakaturo sa menudo at nakakunot ang noo na nakatingin saakin.
"Menudo ang tawag dito."
"Menido?"
Napailing naman ako,
"MeNUdo," pagatatama ko
"Ah, Munedo," saad nito habang natango-tango.
Napatawa naman ako. Hindi n'ya makuha ang tamang salita.
"Sir, MENUDO po iyon."
"Oo nga, Munedo," pagsusungit n'ya.
Napangiti naman ako, hindi na muli ako nagsalita dahil baka kung saan pa dumako ang usapan lalo na at nagsungit na s'ya. Pinabayaan ko nalang, ang mga mayayaman talaga.
Wala ng pasabi ay inilagay ko na ang MUNEDO sa plato n'ya. Dinamihan ko dahil parang takam na takam s'ya kahit hindi n'ya sabihin, kita ko naman sa mga mata n'ya.
Pagkatapos ay ibinalik ko na ang mangkok sa pinaglagyan nito at muling dumistansya at muling nagmasid. Tulad ng kanina ay parang babae kung sumubo at paunti unti ito. Makaraan ang ilang minuto ay natapos na s'ya, kinuha n'ya ang telang malapit sa kanya at ipinunas sa kanyang bibig at uminom. Pagkatapos ay tumayo na, dumaan s'ya sa kinatatayuan ko at nilagpasan ng walang kung ano ano. Ako naman ay papunta na sa hapag upang ligpitin ang pinagkainan n'ya, ngunit bago ko pa mahawakan ang platong ginamit n'ya ay may narinig akong tinig.
"After you clean up the mess, go to my office. We have something to talk about."
Ang kaba ay bigla na namang namayani saakin. Ano kayang paguusapan namin?