Kabanata 6
•CHARM POV•
Nakarating na ako sa padalawang palapag ng mansyon at hinahanap ang kwarto nang totoo naming amo. Sa 'twing naalala ko ang nangyari kanina ay gusto ko ng maging abo para matakpan ang aking kahihiyan. Patuloy ako sa paghahanap ng kwarto ng aking amo ngunit sa dami ng kwartong ito ay aabutin ako ng syam-syam sa paghahanap. Naka walong pinto naako ngunit sa mga kwartong 'yun ay wala akong nakitang bakas ni Sir. Tumigil ako sa isang pinto, pangsyam na ito kung magkakataon. Nandito nanaman ang kabang nararamdaman ko kung ano ang masasabi n'ya saakin. Kaya naman pala ganun nalang kung magalit si Kuya Bert, kailangan kung humingi ng tawad sa kanya. Sa ngayon itong amo ko muna ang uunahin ko.
Pinihit ko ang door knob at sumilip, sumalubong kaagad ang panlalaking amoy, matapang ngunit nakakaadik na amoy. Kanino kaya ito? Tuluyan akong pumasok sa kwarto, madilim kaya naman kakapa-kapa ako. Kinapa ko ang dingding ngunit isang malamig na pader lang ang aking nakapa. Nagpatuloy ako sa paglalakad at nagbakasakaling mahanap ang switch ng ilaw.
"Sir?" tawag ko ngunit wala akong narinig na tugon. Patuloy parin ako sa pagkapa at paglakad ngunit hanggang ngayon ay wala parin akong mahanap, napakahirap naman ng aking ginagawa.
"Sir?" tawag ko ulit ngunit wala parin akong tugon na marinig. Siguro ay hindi ito ang kwarto ng aking amo. Pipihit na sana ako para makaalis ay may narinig akong ungol.
Kumunot ang aking noo dahil sa narinig, anong ibig sabihin no'n. Napabalik ako sa paglalakad, ang kuryusidad ay bumalot saaking buong sistema. Nagpatuloy ako at hindi ko inaasahan na may biglang humapit ng aking beywang padapa. Madilim at hindi ko maaninag kung sino ang may gawa nito, isa lang ang nasisigurado ko. Isang matigas at maskuladong katawan ito at hindi ko mawari ang aking mararamdaman.
"Si-sino ka! Bitiwan mo ako!"
At pilit na kumawala sa bisig n'ya ngunit lalo lamang n'yang inilapit ang katawan ko sa katawan nya. Nagpupumiglas ako ngunit malaki s'ya at wala akong magawa.
"Bitiwan moko!" pagsusumamo ko dahil hindi ako kumportable at sa katotohanang isa itong lalaki
"Who are you to enter my room?"
Isang maskulado at baritong boses ang narinig ko mula dito. Naramdaman ko ang hininga n'ya na dumampi sa aking leeg at nakakaliti ito. Halos hindi ko alam ang gagawin ko, pakiramdam ko ay umurong ang dila ko dahil sa boses n'ya. Napakasarap pakinggan.
"A-ah u-hh." Walang lumabas na salita sa aking bibig, ano ba ang dapat kong gawin, magisip ka Charm!
Naramdaman ko ang kamay nitong naglalakbay sa aking hita halos manigas ako dahil sa ginawa n'yang paghaplos dito.
"A-anong ginagawa mo? " nauutal na tanong ko.
"How about you? What are you doing here?"
Napakunot ang aking noo, parang narinig ko na ang boses na iyon. Napaka pamilyar, teka.
"Ki-kilala kita."
"Really?"
"Teka, teka!" Mabilis na umalis ako sa ibabaw n'ya at bumaba ng kama medyo natisod paako dahil sa pagmamadali na makaalis doon.
Ramdam ko na napaupo s'ya sa pagkakahiga. "S-sir," tawag ko ng mapagtanto ko na s'ya nga ang hinahanap ko.
"Entering in others room is a crime, did you know that?" maskulado at seryosong saad n'ya. Tama nga ang aking hinala, s'ya nga ang aking amo.
May narinig akong dalawang kamay na naglapat. Isang palakpak at awtomatikong nagbukas ang lahat ng ilaw. Medyo nasilaw ako sa liwanag na tumama saakin.
Napunta ang aking paningin sa lalaking pumalakpak at hindi nga ako nagkamali, s'ya 'yung nabastos ko. Ang amo ko. Nakaguhit sa kanyang labi ang nakakalokong ngiti, napababa ang tingin ko, tumigil sa mala Adonis nitong katawan. Napaiwas ako ng tingin, Diyos ko! Bakit napaka laki naman ng katawan n'ya? At parang ilang taong inukit para maperpekto ang ganoong nakakabighaning katawan. Wala s'yang damit at short lamang ang suot n'ya at ramdam ko ang pamumula ng aking pisngi dahil sa nakikita.
Bakit ba kailangan ko pang humantong sa ganitong sitwasyon? "I remember you, ahm wait! Let me guess kung saan nga kita nakita." Tsaka humawak sa baba n'ya na parang nagiisip. Halata naman sa kanya na alam n'ya kung sino ako, nararamdam ko 'yun. Napayuko nalamang ako at nagdasal ng palihim dahil baka tanggalin n'ya ako sa trabaho. Ngayon ko pinagsisisihan ang kagagahang ginawa ko. Masyado akong nagpadalos dalos. D'yos ko.
"Ah! I remember, You are the stupid girl and scandalous woman outside my house, right?"
Lalo naman akong napayuko, sabi na eh nakikilala n'ya ako. Wala pa naman kaseng isang oras kaming nagkita. Naramdaman ko na tumayo s'ya sa kama, ramdam ko ang titig nito saakin kaya naman napataas ang aking ulo. Sumalubong saakin ang nagaalab na tingin n'ya, napaatras naman ako at s'ya namang lapit nito saakin. Napaatras ulit ako at lumapit ulit ito saakin, paulit ulit ang nangyayari hanggang naramdaman ko ang malamig na pader sa aking likuran. Napaka lapit ng mukha n'ya sa mukha ko.
"What did you say before downstairs? That I'm a maniac and criminal?"
Naamoy ko ang amoy mint na hininga n'ya at hindi ko maiwasang langhapin 'yun dahil talagang nakakahumaling. Nakatingin lang s'ya saakin, kung kanina ay parang papatay na s'ya ng tao ngunit ngayon ay nagmukha na s'yang nawalan dahil para s'yang may hinahanap sa katawan ko, sinisipat ang bawat angulo ng mukha ko. May dumi ba? O kaya naman hindi s'ya nagandahan saakin. Pero hindi, sabi saakin dati ng aking ina maganda daw akong bata at ang tatay ko naman ay halos araw araw na may dalang itak saamin dahil sa mga manliligaw na dumarating. Patuloy parin s'ya sa pagsipat at ako'y nagtataka na sa ginagawa n'ya.
"Maganda ka sa malapitan."
Napalunok naman ako, hindi dahil sa magandang komentong sinabi n'ya kun'di sa ganda ng boses n'ya. Mas masarap pakinggan ang boses n'ya kapag malumanay at dahan-dahan.
"But it doesn't mean na makakalampas ka sa ginawa mo saakin." Bumalik na naman sa pagiging seryoso at malalim ang boses n'ya parang lahat ay susunod sa kanya dahil sa nakakatakot na boses na meron s'ya. Napabalik ako sa reyalidad ng may daliring naglakbay sa aking braso. Medyo iniwas ko ang aking braso dahil hindi pagkaasiwa ang nararamdaman ko kung di hindi maipaliwanag na pakiramdam.
Mahinang tawa ang narinig ko sa kanya. Sandali lamang 'yun at nagbigay na ng distansya mula saamin. Nakahinga ako ng maluwag dahil sa ginawa n'ya, ngayon ko lang napansin na pigil pala ang hininga ko habang kalapit ko s'ya. Nagtungo ito sa isang pinto at pumasok doon. Sinundan ko ito ng tingin at maya maya lamang ay lumabas na ito na may suot na ng T-shirt. Salamat naman dahil hindi ako mapakali kapag wala s'yang saplot na pang itaas.
"Disappointed?" tanong n'ya, anong ibig n'yang sabihin? Na nanghihinayang ako? Dahil baka mawalan naako ng trabaho?
"Ha! Seeing my perfect body makes you blush and now I'm wearing T-shirt and you're disappointed, right?"
Napahinga na lamang ako ng malalim, mayabang talaga s'ya kaya hindi ko masisisi ang aking sarili na husgahan s'ya kanina. At hindi ko din naman s'ya masisisi dahil totoo nga naman na namula ako sa nakita. Teka nakita n'ya 'yun?
Naglakad s'ya papunta sa may sliding door kung saan kitang kita ang kabuoan ng buong kabayanan, kita din doon ang mala paraiso n'yang hardin. Napangiti naman ako dahil sa mga bulaklak na nakikita ko, kasama ang sinag ng araw na tumama sa bawat piraso ng bulaklak na nakakadagdag sa ganda nila. Napansin ko naman si Sir na nakatingin saakin kaya naman napatayo ako ng tuwid.
"Sir?" tawag ko at hindi ko maiwasan na mautal dahil sa paraan n'ya ng pagtingin saakin. Nakakadagdag 'yun ng tensyon saakin na lalo kong kinakaba.
"A-ako po si Charm, ang bago niyong katulong. Tatlong araw na po akong namamalagi rito kasama si Ma'am Glo at si Kuya Bert."
"Did I ask?"
Ang sungit naman, kahit na binara n'ya ako ay nagpatuloy nalamang ako. Isang inhale and exhale muna ang ginawa ko bago magsalita.
"Doon po sa nangyari kanina, humihingi po ako ng tawad dahil sa ginawa ko. Tama si Kuya Bert, hindi ko dapat kayo binastos dahil kayo ang amo namin. Patawarin n'yo po ako dahil hindi ko po alam na kayo po pala ang tunay naming amo. Gu-gusto ko lang po na walang makakapasok na masamang tao dito sa mansion dahil iniisip ko ang siguridad ng bawat isa saamin, kaya po nasigawan ko kayo kanina. Muli patawad po," buong sinsiredad na saad ko.
"Where is your courage? Why it seems to suddenly disappear like a bubble?"
Nakagat ko ang ibabang bahagi ng aking labi, hindi ko din alam kung saan na nga ba nagpunta 'yun.
"So, what do you want? Palakpakan ka for your bravery made earlier?"
Wala naman akong sinabi e, kaasar. Ansungit sungit naman nito. Kaya naman napailing nalang ako, hindi naman kase 'yun yung intensyon ko.
"Kung gano'n, why are you entering someone else's room?" Bumalik nanaman sa pagiging seryoso ang boses n'ya at bumabalik nanaman ang kaba sa dibdib ko. Bakit nga ba ako pumasok dito?
"A-ah, yayain ko sana kayong kumain para mag almusal," sabi ko na lamang. Ang sabi ni Ma'am Glo, pagsilbihan ko 'to pero hindi ko kaya. Hindi pa sa ngayon dahil may nagawa pa akong kasalan siguro ay bukas nalang kaya naman sinabi kong kakain na kahit walang kasiguraduhan na handa na ang pagkain para lang matapos na 'to.
"So," takhang tanong nito saakin.
"So?" sambit ko.
"Ginagaya mo ba ako?" gigil na tanong nito saakin na s'ya ko namang kinaigtad.
"Hi-hindi, hindi po.''
Napapikit nalang ako, ano bang kasunod na gagawin ko? Alam ko na, umalis sa kwartong 'to para naman kahit papaano makomportable ako dahil naiilang ako sa presensya n'ya.
"Aalis na po ako kung may kailangan kayo, tawagin n'yo lang ako. Nasa baba lamang po ako," saad ko at akma ng aalis ngunit napatigil ako sa sinabi n'ya.
"Pinaalis na kita?"
Kaya naman wala pang segundo ay napabalik na ako sa dati kong pwesto. Ano pa bang gusto n'ya? Napatingin naman ako sa kanya ng hindi s'ya ulit nagsalita. Nakita ko kung paano n'ya ako tingnan mula ulo hanggang bumaba ang tingin n'ya saaking dibdib. Nanlaki naman ang aking mata sa nakita, kaya naman bahagya akong tumagilid. Jusko, minamanyak ako ng aking amo. Ramdam ko ang pamumula ulit ng aking mukha, kung nandito lang si itay ay sigurodong nakaratay na s'ya ngayon.
"Ehem!" tumikhim ako para naman matauhan s'ya at nagtagumpay naman ako dahil kita ko kung paano ito umiwas ng tingin kaya medyo nakahinga ako ng maluwag.
"You can leave, I'll go downstairs after a minute."
Nang marinig ko 'yun ay agad na akong lumabas ng kwartong 'yun ng walang paalam. Napasandal naman ako sa pinto pagkatapos makalabas, nagdasal naman ako ng palihim dahil hindi n'ya ako sinesanti sa trabaho kahit na hindi malinaw na pinatawad n'ya ako ay nagpapasalamat parin ako. Mga ilang segundo ay umalis na ako doon at nagderitsong kusina at natagpuan ko doon si Ma'am Glo na nagaayos ng hapag. Ngayon ko lang napagtanto na kaya pala magaling s'ya sa mga gawaing bahay dahil katulad ko din s'ya. Bakit ba hindi n'ya agad sinabi saakin? Napahiya tuloy ako.
"Oh, nandiyan kana pala." Tsaka tumingin sa likod ko na parang may hinahanap.
"Nasaan si Adam?" takhang tanong n'ya saakin. Adam pala ang pangalan n'ya. Ngayon lang pumapasok ang mga detalye saaking utak. Pwes, ngayon alam ko na kaya naman napatango ako.
"Ano bang itinatango tango mo d'yan?Nasisiraan ka na ba?" Napatingin ako kay Ma'am Glo nang ito'y magsalita.
"A-ah wala po, si Sir Adam po pababa na daw," sambit ko para makalusot.
"Mabuti naman, mabuti at nakita mo ang kwarto n'ya, nalimutan ko kaseng sabihin sa'yo."
Napatango na lang ako at tinulungan s'ya sa paghahanda ng hapag. Habang tinutulungan ko s'ya ay bigla s'yang nagtanong.
"Mahirap kausap si Adam, mabuti at napababa mo. Siguro ay mabilis kayong nagkasundo," tanong n'ya.
Kung alam n'yo lang po ang sinapit ko sa amo natin. Halos mawalan ako ng hininga doon, hindi ko nga alam kung makakayanan ko pa bang humarap do'n e. Isang ngiti na lamang ang itinugon ko sa tanong n'ya dahil ayokong magsalita dahil baka makasama pa at walang pasabing paalisin ako dito.
Ano kaya ang magiging takbo ng buhay ko dito? Sana naman ay maging maayos at matiwasay. Napabuntong hininga na lamang ako at itinuloy ang pagaayos. Pagkatapos ng paghahanda ay may narinig akong yabag mula sa hagdan at sa tingin ko ay s'ya na ito.