Kabanata 5

966 Words
Kabanata 5 •CHARM POV• Halos hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Kuya Bert. Nanatili akong nakatayo at hindi parin makapaniwala. Teka, baka naman binibiro lamang ako ni Kuya Bert? Para mapatigil ako, humarap ako kay Kuya Bert na ngayon ay nag-aalala na. "Kuya Bert?" tawag ko pero sa halip na akoy lingunin ay nagpatuloy s'ya sa paglalakad n'ya papunta sa loob ng mansion. Hinabol ko s'ya at pinaharap saakin. "Kuya Bert, okay ka lang po ba?" nagaalalang tanong ko kase mukha s'yang tatanggalan ng trabaho e. Hindi n'ya ako sinagot at nakatingin lang s'ya saakin. "Kuya Bert?" tawag ko sabay yugyog sa balikat n'ya.Tinanggal n'ya ang kamay 'kong naka kapit sa braso n'ya at saka n'ya ako hinawakan sa magkabila 'kong braso. Mahigpit ang pagkakahawak n'ya kaya naman medyo nasaktan ako pero hindi ko na lamang pinansin yun kun'di nakatuon ako sa muka n'yang problemado. "Kuya Bert?" tawag ko ulit sa kanya at sa pagkakataon na iyon ay para na s'yang natauhan. Ihinarap n'ya ako ng ayos sa kanya at tingnan ng mabuti. "Bakit mo ginawa 'yun?" mahina pero may diin n'yang sambit saakin. "Kuya Bert, ikaw nga dapat ang tinatanong ko n'yan e." At akma ko ng tatanggalin ang kamay na nakahawak sa balikat ko pero mas diinan n'ya lang ang hawak n'ya saakin kaya naman napadaiing ako. Pero hindi n'ya ako pinansin at inilapit n'ya ang mukha saakin. "Hindi mo ba naiitindihan ang pwedeng mangyari sa ginawa mo?" tanong n'ya sakin pabalik, nagtataka naman ako pero napailing na lamang. "Pwede nating ikawala ng trabaho ang ginawa mo," malungkot na saad n'ya. Napatawa naman ako saka pilitang inalis ang kamay n'yang nakahawak sa braso ko. "Alam n'yo Kuya Bert, nakakatawa ka. Alam nyo po ba 'yon?" sabi ko habang natatawa parin. "Hindi parin ba malinaw sa'yo ang lahat?" tanong n'ya. "Ano ba ang dapat 'kong malaman Kuya Bert? 'Yung pagiging bilyonaryo n'ya? Kuya Bert naman," saad ko at aakma nang aalis papasok sa loob ng mansion para makaharap 'yung bastos na 'yun. Naalala ko na naman ang mukha n'ya, napaka perpekto, mukhang anghel pero demonyo naman sa loob looban, hay sayang. Napatigil ako sa paglalakad ng biglang humarang sa harapan ko si Kuya Bert na mukha ng naiinis. Kuya Bert talaga, ang tanda-tanda na nga ang kulit kulit pa. Parang si Ma'am Glo, may sariling ugali. Mga matatanda nga naman. "Kuya Be-" napatigil ako ng bigla s'yang magsalita. "Papasok ka sa loob para humingi ng tawad kay Adam, maliwanag!?" Nagulat ako sa pagsigaw n'ya. Napailing ako at sasagot pero inunahan n'ya ako. "S'ya ang amo natin, s'ya nagpapasweldo sa'tin at s'ya din ang paglilingkuran mo kaya naman papasok ka sa loob at humingi ng tawad kung gusto mo pang manatili rito!" may diin at pagbabanta sa bawat salita n'ya kaya wala akong nagawa kun'di manahimik na lamang. "At 'wag ka ng magmatigas dahil sa ayaw at gusto mo s'ya ang magiging amo mo," pahabol n'ya saka mabilis na umalis sa harapan ko at nagpunta sa loob ng mansion. At heto ako at hindi parin makapaniwala. Isa lang ang alam ko, na nakakahiya ang ginawa ko. Mali, sobrang nakakahiya! Napasapo ako sa ulo, ano ba ang ginawa ko? Masisisi n'yo ba ako? Iniisip ko lang ang kaligtasan ni Ma'am Glo. Napabuntong hininga ako at tsaka dahan dahang pumasok sa loob ng bahay. Habang naglalakad hindi ko maiwasang mapakagat sa ibabang labi ko dahil hindi ko mawaglit saaking isipan ang ginawa 'kong eskandalo. Ano ba naman kase ang nangyayari saakin? Ang buong akala ko ay ang amo ko ay si Ma'am Glo at hindi 'yung lalaking 'yun! Tsk! Hindi ko na muna iisipin 'yan ang importante sa ngayon ay humingi ako ng tawad sa tunay 'kong amo. Nasa tapat na ako ng pinto para makapasok pero hindi ko magawa dahil sa kahihiyang ginawa ko. Napatalikod ako sa pinto at napatingin sa itaas. Ano ba ito? Halos manginig na rin ako sa kaba. Pinasok mo 'yan Charm kaya mag-isa mo 'yang lusutan. Bulong ko sa sarili at humarap ulit sa tapat ng pinto, humugot muna ako ng isang malalim na hininga upang mag-ipon ng lakas ng loob. Pero bago ko pa mahawakan ang doorknob ay bigla na itong bumukas. Napaigtad ako sa gulat at nakita ko si Ma'am Glo na masama ang tingin saakin. "Hay! Sus meryusep! Nandito na't lahat ang amo natin ay naka tanga ka parin d'yan!" bulyaw saakin ni Maam Glo. "Ma'am, diba ikaw po yung amo ko?" tanong ko dahil 'yun talaga ang buong akala ko. Lalo pang nagdilim ang tingin nito saakin kaya naman napatungo agad ako. Masama bang magtanong e sa hindi ko parin matanggap ang nangyayari. "Amo? Ako? Kailan pa ako naging amo, aber?" Napataas naman ako ng tingin. Ibig sabihin, 'yun ngang manyak na lalaki ang amo namin. Ano bayan! "Oh, e, ano pang inaantay mo? Hala! Larga na at asikasuhin mo ang amo natin!" Napatigil naman ako. Asikasuhin? Tama ba ang narinig ko? "Pero Maam-" "Dalian mona! Ayaw ni Adamson sa lahat ang parang pagong kung gumalaw!" sigaw n'ya at ipinagtulakan ako papapuntang loob, ako naman ay halos mamatay na sa kaba dahil hindi ko alam aking gagawin. "Nasa loob s'ya ng kwarto, tandan mo kumatok ka muna bago pumasok," paalala ni Ma'am saakin. Kahit na sinabi na ni Maam Glo 'yun ay hindi parin ako umaalis sa kinatatayuan ko dahil sa kaba. Pinagmulagaan naman ako ni Ma'am Glo kaya naman wala sa oras ay napa akyat ako sa hagdan. Sa pangalawang pagkakataon ay napakagat na naman ako sa ibabang labi ko dahil sa kabang nararamdaman habang naglalakad pataas ay hindi ko maiwasang mapahawak sa ulo. Ano na ang gagawin ko ngayon? Parang hindi ko kayang magpakita sa kanya dahil sa nangyari kanina. Hay! Charm!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD