•CHARM POV• Biglang sumugod si Atiyah kay Adam na galit na galit at pinaghahampas ang dibdib nito. "Hindi! Hindi! Hindi p'wede Adam!" Walang tugon si Adam kay Atiyah na ngayon ay nagwawala na sa galit. Lahat ay tinatanggap ni Adam ang hampas at kalmot ni Atiyah. "Hindi ako papayag! Babalik tayo sa dati Adam at magagawa natin 'yun," desperado nitong saad sa walang ekspresyong mukha ni Adam. Bahagya akong umatras patalikod, alam ko na hindi gano'n basta basta mag papaubaya itong si Atiyah. Palaban s'ya at gagawin n'ya ang lahat para makuha ang gusto n'ya. Nasisiguro ko rin na itutuloy at itutuloy n'ya ang mga masasamang balak n'ya sa amin kaya naman gagawa ako ng paraan para makatakas sa kamay nila. Wala nang nagbabanta o nakahawak sa akin para pigilan ako. Lumingon ako sa kanan ko at