•CHARM POV• Napairap ng tunay si Adam dahil sa biglaang pagsulpot ni Atiyah kasunod si Goss. Muhi akong napatitig dito, hindi na ba talaga s'ya magbabago? Handa pa akong magpatawad sa mga oras na 'to. Lihim akong napailing, huwag n'ya sanang tuluyan na hayaang mawalan na ako nang gana sa kanya dahil patagal nang patagal ay bumababa na ang tsansang makabalik kami si dati. Nilapitan ako ni Atiyah at marahas na hinaglit ang aking buhok, matalas ako nitong tiningnan habang mas lalong hinigpitan ang kanyang pagkakasabunot. "Aray!" sigaw ko dahil parang pati ang anit ko ay nadadala na sa paghila n'ya. "Charm!" "Sige lumapit ka Mr. Adamson, sisiguraduhin kong sasabog ang utak nito." Dumiin ang pagkakatutok sa akin ng baril na mas lalo kong kintakot. Heto na naman kami at walang magawa. "