•CHARM POV• Napasapo ako sa noo ko, bakit s'ya nandito at paano s'ya nakapasok? "Justin, paano ka nakapasok dito sa village?" takhang tanong ni Ma'am Glo. Hingal na hingal na napalapit si Justin sa gawi namin. Mayayari ako kay Adam nito kapag nalaman n'yang nandito ito. "Wala akong intensyon na manggulo, may kailangan lang akong hanapin." Hindi ko na s'ya sinagot kahit na gustong gusto ko dahil baka mamaya malaman pa ni Adam at paniguradong manggagalaite lang ito. "Sino?" Si Ma'am Glo na ang kumausap dito habang ako ay tahimik lang na nakikinig sa kanilang dalawa. "Si-si Jia?" Nagulat naman ako sa sinabi ni Justin. Himala atang s'ya ngayon ang naghahabol dito. Mas lalo akong nakyuryos sa susunod na sasabihin ni Justin. "Ilang araw ko na rin kasi s'yang hindi mahagilap." Nakatitig