•ADAM POV• Mas napabilis ang aking pagpindot sa keyboard nang maalala ko ang mukha ni Charm. Napatungo ako at pilit ibinabalik ang atensyon sa ginagawa. Ilang buwan na ba akong ganito? Simula nang dumating sa buhay ko si Charm ay nagbago na ang lahat, lahat lahat. Napabagsak ang likod ko sa swivel chair na inuupuan ko. Nababaliw na ako, baliw na baliw sa kanya. Napangiti ako nang maalala ang mga araw na masaya kaming magkasama, hindi ko alam pero ang lakas ng tama ko sa kanya. Sa dami ko ng nakasama at nakasiping na babae s'ya palang ang nakakagawa ng kilig na hindi ko maramdaman sa iba kahit pa kay Atiyah. Napahawak ako sa baso sa aking harap at nagsalin ng alak. Minahal ko ng buo si Atiyah, ginawa ko ang lahat para sa kanya at dahil nga sa lubos kong pagmamahal sa kanya ay ipinangako