•ACA POV• Lahat kami ay malungkot at tulala. Hindi namin alam ang gagawin ngayong nawawala si Charm. Hindi ko naman ma report sa mga kuya ni Charm ang nangyari dahil alam kong sobrang mag aalala lang sila. Mas lalo akong napahalumbaba dito sa labas ng mansyon. Sobrang lamig at malamik sa tayo namin pero no choice dahil bawal kaming bumalik ng mansyon dahil pinaalis kami ng demonyitang Atiyah 'yun! Napakamot ako sa binti ko nang bigla iyong nangati, 'wag lang talaga akong de-denguehin dito dahil talagang palalamunin ko ng sang katerbang katol 'yang Atiyah na 'yan! "Sobra na akong nag-aalala kay Charm." Napalingon ako sa kapatid ko. Kahit naman ako, wala kaming makitang dahilan kung bakit ginawa 'yun kay Charm ng kung sino. Napatayo ako sa batong inuupuan namin ni Ica at napaunat. Dala