•ADAM POV• Hinalikan ko sa noo si Charm bago bumaba ng kama. Napa-unat ako at muling napalingon sa mahimbing na natutulog. Ang makita ang mukha n'ya sa umaga ang pinaka masarap na agahan sa lahat. Ito lang naman ang tangi kong hiling, ang makasama o mabungaran ko ang taong mahal ko. Napahawak ako sa mabango at kulay itim nitong buhok hanggang sa dumako ang tingin ko sa mga mata n'yang payapang nakapikit. Lalo nakakadagdag ng karisma n'ya ang makapal at malantik nitong pilik mata sabayan pa ng maliit nitong ilong at napakakinis na morenang kutis nito. Napatingin ako sa labi nitong manipis, itong bagay na 'to ang nagpapabaliw sa akin sa t'wing dadampian n'ya ang labi ko. Napangiti ako, bakit ba ang dali kong kiligin sa babaeng 'to? Biglang nagbukas ang pinto kaya naman mabilis ako rit