"SIR, kumusta ang asawa ko sa loob?" tanong ko sa pulis. Pumasok kasi si Veronica sa hide out ni Ramil ng hindi pa lumalabas ang magulang namin. Nasira tuloy ang unang plano. Ang plano kasi nila ay dapat hindi papasok si Veronica sa loob Hahayaan niyang bukas ang gate para makapasok ang mga pulis ngunit hindi iyon ang nangyari. "I think she's okay. I hope she's okay." Ani ng pulis. Ilang saglit pa ay bumukas ang pinto at tinulak si Daddy at Mommy ni Veronica palabas ng gate. "Daddy!" sigaw ko. Nakita ako ni Daddy kaya tumakbo sila palapit sa'min. "Lester, anak!" Niyakap ko si Daddy. "You're safe now, Dad." "Tulungan n'yo si Veronica." umiiyak na sabi ni Mommy. Niyakap ko si Mommy. "Huwag kayong mag-alala gagawin ng mga pulis ang lahat para iligtas si Veronica. Nagsimula ng kum