"Papa!" Malakas na sigaw ng batang babae habang tumatakbo siya palapit sa lalaki na sinasalubong siya. Nasa loob ako ng kotse at limang metro ang layo ko kanilang dalawa. Lumapit sa batang babae ang lalaki at kinarga niya ito at pinugpog ng halik tuwang-tuwa ang bata habang yakap siya ng kanyang Papa. "I miss you, Papa!" sabi ng batang babae na nasa edad apat na taon. Bagamat bakas sa suot nilang damit ang kahirapan ng buhay dahil halos luma na ang suot nilang damit pareho. Halos mapigtal na rin ang suot na tsinelas ng bata. Gayunpaman, punong-puno naman sila ng kaligayahan at pagiging kuntento sa buhay. "May regalo ako sa'yo," Nakangiting sabi ng lalaki sa kanyang anak. "Ano po ang regalo mo sa'kin?" Halos hindi na mawala ang ngiti ng bata sa kanyang ama. Idagdag pa ang surpresa ng