“Veronica?” Gulat na gulat si Mommy ng makita niya ako sa loob labas ng makita niya ako sa entrance door ng kanilang Mansyon. “Mommy, pwede ba dito muna kaming dalawa ng anak ko?” Niluwagan ni Mommy ang pintuan niya at kinuha sa’kin ang anak ko. “Pumasok kayo tamang-tama wala rito ang asawa ko nag bakasyon sa anak niya.” Inilagay ko sa gilid ang maleta namin at umupo ako sa malambot na sofa. Sinisikap kong huwag umiyak pero kapag nagtanong si Mommy kung anong nangyari sa'min ay baka hindi ko magawang maging matapang. Hiniga ni Mommy sa kabilang sofa si Levie dahil tulog na ito. Tinawag niya rin ang katulong niya para magdala ng pagkain. “Nabalitaan ko na nasunog ang warehouse n’yo kumusta naman?” “Wala naman namatay na mga tauhan mero may mga nasugatan.” Seryosong tumingin sa akin