Binaba ko ang cellphone ko pagkatapos kong kausapin si Veronica. Nagawa ko ng magalit si Veronica at alam kong nararamdaman niyang inaakit ko ang asawa niya. Iyon naman talaga ang plano ko ang sirain ang pamilya niya. “Si Veronica ba ang kausap mo?” tanong sa’kin ng bunso kong kapatid na si Arman. Kasama ko si Arman ng pumunta sa Puerto Galera. Nang malaman namin na mag out of town ang pamilya ni Lester ay nagmadali kaming bumili ng ticket papuntang Puerto. Walang kaalam-alam ang dalawa na sinusundan talaga namin sila. Pinag-ekis ko ang mga hita ko ng umupo ako at nilaro ko ang alak sa wine glass ko. Ang kanang kamay ko naman ay may nakaipit na yosi. “Sinabi ko na sa kanyang bantayan ang asawa niya dahil magugulat na siya maagaw na ng iba,” sabay tawa ko. Bumuntong-hininga siya. “Ate,