Pinagmasdan ko ang mga kaibigan ko habang nasa isang cafeteria kaming apat. Sa unang pagkakataon ay kasama namin si Cyndi ang model namin na kaibigan. "So, anong dahilan bakit tayo nagkita ngayon?" tanong ko sa kanila Nagkatinginan silang tatlo at bumuntong-hininga. "Itanong mo kay Cyndi," sagot ni Dina. Tumingin ako kay Cyndi. "Anong problema mo?" Bumuntong-hininga siya. "I'm bored." "Sus! Kung bored ka huwag mo kaming idamay busy kaming tao," sagot ko. "Tama, alam mo naman anim ang anak ni Veronica. Hindi ko nga alam kung nagagawa pa niyang maghugas ng pechay niya sa dami ng ginagawa araw-araw," ani Dina. Inirapan ko siya. "Palibhasa ikaw hanggang dalawa lang ang kaya ng egg cells mo." Ngumisi si Dina. "Hindi kami malibog na katulad n'yong mag-asawa." Inirapan ko siya. "Mahal