"MR. Del Mondragon!" tawag ng isa sa mga manager ko. Huminto ako sa paglalakad upang hintayin siya. Katatapos lang ng meeting namin para sa naging report ngayong buwan. "Yes?" Ngumiti siya sa'kin. "Sorry sa abala pero may gusto akong itanong sa'yo." Isang ngiti ang naging tugon. "Basta kaya kong sagutin, why not." "Fathers day bukas at gusto kong bigyan ng gift ang Daddy ko. Can you suggest a gift for my Dad?" Bigla akong napaisip, wala rin kasi akong maisip na regalo na ibibigay ko kay Dad bukas. Si Veronica ang mahilig bumili ng mga expensive gift para kay Dad or even kay Mom. "Actually, hindi ko alam ang magandang gift ang pwedeng ibigay sa Dad mo." "Kung ikaw ang papipiliin, what gift would you like?" "I don't have a specific gift that I want to give. What matters to me is the