WALANG TIGIL ang pag click ng camera sa suot kong magarang wedding gown. Hindi lang kasi ordinaryong beads ang nakadikit sa suot kong damit kung hindi ay mag diamond at gold. Kulay krema na gown at ang belo ko ay umabot ng anim na metro. Ang bawat gilid niya ay may disenyong bulaklak. Bumagay ang maumbok kong dibdib dahil off shoulder ito. Fitted siya sa'kin kaya bakat ang ganda ng aking katawan. Sinadya kong mag bawas ng timbang at mag gym para wala akong bilbil na lalabas sa suot kong wedding gown. "Beautiful!" sambit ng mga kumukuha ng picture sa akin bukod sa video choreographer. Maraming nanonood sa'kin habang inaayusan ako ng mga make up artist ko. Hindi lang sila basta make up artist dahil mga sikat na make up artist sa ibang bansa ang kinuha ni Lester para mag ayos sa'kin at sa i