"Veronica, umuwi ka muna sa bahay n'yo. Ako muna ang bahalang mag bantay kay Lester." Ani ng Daddy ni Lester. Umiling ako at hinalikan ko ang kamay ni Lester. "Hihintayin ko siyang magising." Bumuntong-hininga siya. "Napapabayaan mo na ang sarili mo." Lumunok ako upang sana pigilan ang luha kong gusto ng pumatak ngunit kapag nagsalita ako ay parang waterfalls. "K-Kulang pa ang effort kong ito para kay Lester. Hindi ko deserve na magpahinga o magreklamo na pagod na dahil niligtas niya ako. Sinalo niya ang bala na dapat para sa'kin." Mabilis kong pinunasan ang luha ko. Bumuntong-hininga si Daddy. "Alam mong ayaw ni Lester na napapagod at nahihirapan ka. Umuwi ka na muna para matulog." "Maganda nga na makita ni Lester na hindi ako umalis sa tabi niya para gumising na siya. Kasi alam aya