"HOY BRUHA! anong ginagawa mo rito sa bahay namin ng ganito kaaga?" Inis kong tanong kay Dina. Alas sais pa lang ng umaga nang gisingin ako ng katulong namin at sabihin na may bisita ako. Ang akala ko may masamang nangyari sa kanya. Dahilan para istorbohin ang beauty sleep ko. Puyat pa naman ako dahil ala una ng madaling araw kami natapos mag-video call ni Lester. Isang linggo na kasi siyang nasa ibang bansa para umattend ng seminar. Gusto niya akong sumama pero hindi ko naman pwedeng iwan si Levie. Dire-diretsong humiga sa kama si Dina at ipinikit ang mga mata. "I'm sleepy." Aniya. Pinagmasdan ko siya. Mukhang inaantok pa nga siya dahil nakasuot siya ng pajama. Hindi na niya nagawang mag bihis ng damit. Ngunit ano ba ang trip niya ngayong araw. "Bakit ka ba nandito?" Tanong ko sa kan