DALAWANG ARAW na akong gumigising ng umaga para ipagluto ko si Lester ng almusal ngunit sa tuwing pumupunta ako ng kusina ay naroon na si Lester at nagluluto ng almusal namin. Sinandal ko ang likod ko sa gilid ng pinto habang nakahalukipkip ang mga kamay sa dibdib ko. Pinapanood ko siya na nagluluto dahil inunahan naman niya ako. Walang suot na pang-itaas si Lester at shorts lang ang suot niya. Nakapatong ang kulay asul na apron sa kanyang katawan ngunit hindi pa rin maalis ang tingin ko sa kanyang malapad na dibdib na kagabi lang ay pinagsawaan kong hawakan at halikan. "Hindi talaga kita maunahan na gumising sa umaga." sambit ko sa kanya. Ngumiti siya ng tumingin sa'kin. "Good morning, Honey." sabi niya. Lumapit ako at umupo sa harap ng lamesa. Mabilis naman kumilos si Lester para ip