Nagising ako dahil sa malakas na iyak ni Baby Levie. Agad akong bumangon para alamin kung ano ang dahil kung bakit siya umiiyak ngunit bago pa ako makabangon ay nakita ko si Lester na pinapadede si Levie. Ngumiti ako habang pinapanood silang dalawa. Nakaalalay si Lester sa bottle milk ni Levie. Ang hindi alam ni Lester ay anak niya si Levie. "Ehem!" Basag ko sa katahimikan. Nilingon niya ako at ngumiti sa akin. "Bakit bumangon ka pa?" Lumapit ako sa kanya at tiningnan ko si Levie na nakapikit habang dumedede. "Thank you sa pag-aalaga mo sa anak ko." Tumingin si Lester sa'kin at bumuntong-hininga. "Sino ang ama ni Levie?" Bahagya akong tumawa. "Anak namin ni Leo." "Bente tres pa lang si Leo at trenta ka na." "Wow! Age doesn't matter. Kung mahal mo ang isang tao wala 'yan sa edad