Alas otso pa lang ng umaga ay abala na kaming lahat sa mga lulutuin handa para sa birthday ni Nanay. Fifty years old na siya ngayong araw. Ilang beses kong pinagmamasdan si Leo habang nag-iihaw ng barbeQ. Kasama niya ang kanyang girlfriend na tumutulong sa pag-iihaw. May kaunting salo-salo kami ngayon dahil birthday ng Nanay ni Leo. Abala kaming lahat sa pagluluto ng handa niya. "Ate, puntahan mo na si Kuya Leo." ani Gagay sa'kin. Kaming dalawa kasi ang nagbabalot ng shanghai. Tumingin ako sa kanya. "Nahihiya ako magtanong." "Sus! Mahihiya ka diyan kay Kuya Leo, walang hiya naman 'yon." Huminga ako ng malalim bago ako lumapit sa kanilang dalawa. Abala ang dalawang magkasintahan sa pag-uusap kung kaya't hindi nila ako napansin na lumapit. "Ehem! Ehem!" Sabay silang lumingon sa akin.