"HONEY!" sigaw ni Veronica. Nakabihis na siya at bitbit ang maliit niyang bag na regalo ko noong birthday niya. Lumapit ako sa kanya at hinalikan sa labi. "Enjoy, dapat pag-uwi mo mas lalo kang gumanda." Ngumiti siya. "Thank you, ang habilin ko sa'yo. Ikaw na muna ang bahala sa mga bata. Tumango ako. "Okay, kayang-kaya ko silang alagaan lahat." "Good." Sabay halik niya sa'kin. Sa unang mga oras ay wala akong naging problema sa mga anak ko. Nang sumapit ang alas-diyes ng umaga ay nagsimula na akong mataranta sa mga sunod-sunod na ingay nila. Isa-isa kong nililigpit ang mga damit ng mga anak na bagong laba ng katulong namin. "Daddy!" sigaw ni Levie. Karga niya ang kapatid niya na si Luther na isang taon gulang pa lang. Huminto ko sa pagliligpit ng damit at lumapit ako sa kanya. Kin