LIV It's been a week since we had dinner at my parents' home. At simula rin noon ay may naramdaman kong may nag-iba kay Oliver. Sa aming dalawa. It was like there's this huge wall between us at sa taas nito ay hindi ko s'ya maabot. We talk, but it's not the same anymore. Palaging mabilisan lang. Oo o hindi. Mamaya na. Bukas na. One or two words lang madalas sa personal o maging sa text. Sa telepono kapag magkakausap kami ay ganoon din. Mas madalas pa na ako ang magkusang tumawag sa kanya. At hindi nakatulong na busy kami ngayon sa school. We have a group project at naiinis rin ako sa mga kagrupo kong ubod ng tamad. You could say my stress level went through the roof. Kanina pa ako tumatawag kay Oliver pero hindi s'ya sumasagot. Naisip ko na baka nakatulog kaya naghintay ako ng isang