LIV "Let me explain." "Then make it fast because to be honest with you, I don't want to be in the same room with you." Oliver's voice was cold as ice. Hindi ko pa nakita kailanman ang side n'yang ito. Hindi ako natatakot na baka saktan n'ya ako. Hindi 'yon. I was afraid that he is going to end things between us dahil lang nagtago ako sa kanya. It wasn't my intention to keep it a secret. "Si Janet ba ang nagsabi sa 'yo?" Ang isang 'yon ay likas na matabil ang dila, per kapag tinapalan ng pera ay tumatahimik. "You just confirmed that it's true. Ikaw ang nagbayad sa kanya. S'ya lang naman ang kumukuha ng upa dito." "Hindi ko naman itinatanggi ang tungkol sa pagbabayad ng renta." "Hindi mo itinatanggi pero hindi mo rin sinabi sa akin. Bakit?" Ang tinig n'ya ay puno ng pang-aakusa at