OLIVER Nakita ko ang paglunok n'ya pero kasabay ng pag-iwas ng tingin ay ang pagbawi ng kanyang kamay. Pumihit s'ya patalikod sa akin. Siguro ay nakaramdam ng pagkapahiya. Pero niyakap ko s'ya mula sa likod at pinatakan ng halik ang kanyang batok. "Oliver." She gave me a warning tone. "Relax. It's just a little kiss." Nakita ko ang pagtaas ng mumunting balahibo n'ya. I still have the effect on her. "Hindi mo na nga sinagot ng maayos ang tanong ko ay dadaanin mo pa ako sa paghalik-halik mo," inis n'yang tanong sa akin. Hindi ko na napigilan ang mapatawa sa kanya. Four years is not such a big age gap, but at this moment. I feel thirty-three while Liv is stuck at nineteen. Siniko n'ya ako sa bandang tiyan pero mahina naman kaya hinapit ko s'ya papunta sa akin at pinupog ng halik. Nag