OLIVER Nasa sahig pa rin ako at masama ang tingin n'ya sa akin. Alam kong mali na magpanggap kanina na nakalimot ako pero wala na akong maisip na ibang paraan para mapaamo s'ya. It could take years for Liv to forgive me, baka dalhin pa n'ya hanggang hukay. But I don't want to miss any more time with her. Ten years was long enough. Pareho kaming naging miserable, pero tama naman ang kanyang ama — pareho din kaming naging successful. At hindi lang 'yon, wala s'yang naging iba. Ganoon din naman ako. Sabi nga ni Nanay, kapag mahal mo, hindi mo kayang lokohin. Cheating is a choice. And although everyone deserves a second chance, mahirap pagtibayin ang isang bagay na may lamat na. "You still tricked me," sabi n'ya sa akin. "Sorry. I mean I am not really sorry because I want you to be