LIV | Vegas We checked in at a fancy hotel nang makalapag ang eroplano sa Vegas. We occupied the whole penthouse at nakakalula ang laki nito. Pinamili ako ni Oliver kung ano ang gusto kong suutin. The boutique downstairs has it all. At hindi rin biro ang presyo nito pero ayaw magpaawat ni Oliver kaya pinili ko ang pinakamura. Minsan ay gusto ko s'yang sakalin dahil bulagsak sa pera. Ang katwiran n'ya, para naman daw sa kasal namin. Basta tuwing gagatos s'ya, bibigyan ako ng dahilan na lusot s'ya. Kulang na lang gawin pasko ang lahat ng araw para may excuse s'yang bumili. Ang lahat ng hindi n'ya naibigay sa akin noon ay ipinaparanas n'ya sa akin ngayon. And although I like being pampered, alam ko rin na hindi madaling kitain ang perang ginagasta n'ya. "Oliver, you know I love you. Bu