CHARLIE SI MANG HENRY, ang personal driver ni Garrett, ang sumundo sa akin sa airport. Hindi na nagawang sumama ni Garrett upang sunduin ako dahil abala na ito sa paghahanda sa engagement party namin mamayang gabi. Kung ibang babae lang siguro ang nasa kalagayan ko ay baka laking tuwa at galak nila dahil ngayong ang araw nang pag-anunsyo sa nalalapit niyang kasal. Ngunit kabaligtaran nang lahat ng iyon ang aking nararamdaman sa mga oras na ito. Garrett is a great guy. At wala na akong mahihiling pa. Nasa kanya na ang lahat nang katangiang hinahanap nang karamihan sa lalaking magpapag-isang dibdib nila. Pilit ko mang sabihin sa aking sarili na magiging maayos din ang lahat, alam ko sa sarili kong malabo nang mangyari iyon. "Tulungan na kita sa mga bagahe mo, Charlie," untag ni Mang Henr