CHARLIE TAIMTIM akong nakatitig sa maamong mukha ni Kaleb habang mahimbing itong natutulog sa ibabaw ng kama. Pahapyaw akong sumulyap sa orasan na nakadikit sa dingding. Mag-aalas dos pa lamang ng madaling araw. Matapos ang mainit naming pagniniig ay agad itong nakatulog. Ilang minuto lamang akong nanatili sa kama upang masigurong mahimbing na ang kanyang tulog bago ako nagdesisyong bumangon at simulang ayusin ang aking mga gamit. Nang mailagay ko ang lahat ng aking mga gamit sa aking bag ay muli akong tumigil upang sandali itong titigan. Gusto kong makabisa ang bawat parte ng kanyang mukha upang baunin iyon sa aking alala. Marahas akong bumuga ng hangin bago marahang lumapit sa kanya. Ingat na ingat ako sa aking bawat kilos upang hindi ito magising. Marahan kong pinatakan ang kanyang n