CHARLIE MATAPOS naming maghanda ay agad kaming nagtungo sa kuwadra kung saan naroon ang mga kabayo. "Maputik ngayon kaya hindi natin maaaring dalhin ang wrangler. Ito ang sasakyan natin sa paglilibot sa hacienda. Marunong naman siguro kayong sumakay ng kabayo, 'di ba?" tanong ko sa dalawa. "Yeah, marunong akong mangabayo," makahulugang tugon ni Kaleb habang may naglalarong pilyong ngiti sa kanyang mga labi. "I don't know how to ride one. Aangkas na lang ako kay Kaleb," sabad ni Stephanie. Akmang magsasalita pa si Kaleb nang maagap ko itong putulin. "Sige. Mang Gusting, pakilabas po ng dalawang kabayo. Si Spirit na lang po ang gagamitin ko. Si Anastasia po ang ibigay n'yo sa kanila dahil hindi iyon masyadong sumpungin," wika ko kay Mang Gusting na siyang tagapangalaga ng kuwadra. "Sig