CHARLIE PINILIT kong makawala mula sa mahigpit niyang yakap. Buong lakas kong itinutulak ang kanyang dibdib ngunit hindi man lang ito natinag sa kanyang kinatatayuan. Patuloy ang marahas niyang pag angkin sa aking mga labi. Ayaw ko mang aminin ngunit alam kong unti-unti na rin akong nadadarang sa apoy ng aking pagnanasa. Unti-unting nawalan nang lakas ang bawat kong pagtulak sa kanya. At ang mga pagtutol ko ay marahang napalitan nang impit na ungol. Nagpupumilit ang malikot nitong dila upang makapasok sa aking bibig. Pilit niyang pinaghihiwalay ang aking mga labi upang mabigyang laya ang kanyang dila sa pagtudyo sa akin. Wala pang isang araw mula nang maghiwalay kami ngunit dama ko sa aking sarili ang pangungulila sa kanyang mga yakap at halik. Malaking parte ng aking puso ang gustong t