CHARLIE MAKAILANG ulit muna akong bumuga nang malakas na hangin saka inayos ko ang aking sarili bago tuluyang lumabas ng silid. Halos mabingi ako dahil sa lakas nang kabog ng aking dibdib habang dahan-dahan kong tinatahak ang madilim na pasilyo pabalik sa gitna ng bulwagan. Hindi ko maiwasang magpalinga-linga dahil sa takot na baka bigla na lamang gumawa nang eksena si Kaleb. Napapitlag pa ako nang may biglang humawak sa aking braso. "Hey, what's wrong? Are you alright?" nag-aalalang tanong ni Garrett sa akin nang mabalingan ko ito. Nahalata ata nito ang aking pagkabalisa kaya naman bakas ang pag-aalala sa kanyang mukha. "I-I'm fine. P-Pagod lang siguro ako," pagdadahilan ko. Sa isip ko ay paulit-ulit na tumatakbo ang mga kinabisa kong mga salita na aking sasabihin kay Garrett. Taimtim