Luke Alli De Lion Montemayor, Sa buong buhay niya ay masasabing natupad na rin ang isa sa kaniyang pinapangarap. Ang magkaroon ng pamilya kasama ang pinakamamahal na babaeng napili ng puso niya. “Kuya Luke, bakit pinagpapawisan ka siguro kinakabahan ka ano?” “Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit ganito ang nararamdaman ko.” “Baka dahil lang 'yan sa puyat at nainom mo kagabi, kaya mag-relax ka at maya maya lang ay darating na ang bride mo.” Panay ang inhale exhale niya para mabawasan ang tensyon na nararamdaman, hanggang narinig niya na ang pag tunog ng wedding song na paborito nang babaeng minamahal. Kaya naman umayos na siya sa pagkakatayo at pinunasan ang pawisang noo. Nang bumukas ang pintuan ay nagsimula nang maglakad ang mga sponsors, bride’s maid at mga bata na lal

