10 years later… NAGKALAT ang balita about last night, siguradong nakarating na sa mga magulang ang tungkol sa gulong kinasangkutan nilang magkakapatid. At hindi na sila nagulat ng humahangos na dumating ang ama at ina. “Anong nangyari at sino ang mga nakalaban ninyo?” “Dad, take it easy naroon din po sila Josh at Dark, kaya huwag na kayong mag-alala dahil okay lang kami, saka kilala pala kami ng mga pulis na rumispunde.” “Sabihin niyo sa akin kung sino ang mga iyon?” “Anak pala ng congressman at senador ang mga nakalaban namin kaya pala sobrang angas nila.” Samantala ay hindi magawang kumalma ni Nikolai. Umuusok siya sa matinding galit ng mapanood ang balita. Gano'n din ng mabasa ang article sa isang news paper, ang ginawang pangbabastos sa pinakamamahal nilang si Princess Nica Angel

