WALANG imik ang asawa habang nakasunod sa kaniya patungo sa lanai, kung saan ay inupuan lang nila kanina. Padating doon ay nananatiling nakatayong patalikod lang si Nikolai. Samantala ay na upo si Aaliyah, dahil nananakit ang kaniyang mga paa. "Talk, anong gusto mong pag-usapan?" "Umuwi na tayo, hinahanap ka na ng mga bata." Ang tangi niyang na sagot kay Niko. "Alam mo huwag na natin ipilit na magsama pa tayo dahil tayong dalawa lang din ang mahihirapan. At kung ang mga bata ang dahilan ay hindi ko naman sila tatalikuran. Lahat ng responsibilidad ng isang ama ay ibibigay ko sa kanila. Kaya wala kang dapat alalahanin dahil ngayon pa lang ay magpapagawa na ako ng last will and testament. Para sa kanilang apat at sila lang ang karapatan sa lahat ng pagmamay-ari ko. Sakaling magkaroon ako n

