NAKAUPO si Aaliyah, sa gilid ng swimming pool habang pinapanood ang mga anak ng lapitan siya ng kaniyang ina. “Anak, alam kong may problema kayong mag-asawa. Ngunit ang masasabi ko lang, sa ngayon ay hayaan mo muna siya. Kagaya ng nabanggit mo sa amin ng ‘yong ama. Nasaktan siya sa mga salitang binitawan mo kaya siguro hanggang ngayon ay hindi siya nakikipag-usap sa iyo.” “Alam ko naman po iyo, hindi ko lang maiwasan mag-alaala sa kaniya. Lalo na sa sitwayon ngayon, ayon sa sunod sunod na balita ay marming patayang nagaganap. Paano kung isang araw ay madamay siya, paano na ang mga anak namin?” “Magdasal ka anak, sa ngayon iyon lang muna ang magagawa mo.” Worried na sagot sa kaniya ng ina. Napatango na lang siya sa dito, isa pang iniiisip ay ang kaniyang kakambal. Hanggang ngayon ay wa

