HABANG nakahiga sa malapad na kama ay nakatutok lang ang kaniyang paningin sa kisame. Ilang araw na ba siya sa silid na iyon at mula ng nag-stay sa underground ay hina hatiran na lang din siya ng mga kailangan niya. Kagaya na lang ng personal na gamit, groceries at iba pang pangangailangan. Ang kapatid pa mismo ang bumababa doon upang ihatid ang lahat ng 'yon. "Kuya, nabanggit ni Kuya Aaron, inuwi na raw ng asawa mo ang mga bata sa mansion Araneta." "Ayos lang, para makasama ng lolo at lola nila. Ikaw kumusta ka naman? Hindi ka ba nahihirapan i-handle ang mga tao mo?" "Mahirap syempre, kaya lang wala naman akong magawa. Tungkulin kong i-monitor silang lahat, kagaya na lang noong may grupo raw ng mafia ang gumawa ng gulo. At nalaman ko na pakana pala ni Romulo. Mabuti na lang at nahuli a

