Ilang beses ng tumutunog ang cellphone ni Nikolai, ngunit hindi nito naririnig dahil may kausap sa landline. “Young master, kanina pa tunog nang tunog ang private number mo.” “Manang, pakibigay po sa akin ang cellphone ko.” Saka binalikan ang pag-uusap nila ni Jong, ang driver bodyguard ng pinsan si Lath. “Parating na ako riyan, huwag mo sanang iwawalay sa paningin mo si Aaliyah.” “Boss Nik, may sniper sa paligid, at ‘yon ang kailangan kong hanapin.” “Hold on, sinusubukan kong tawagan siya pero sa tingin ko ay wala sa kaniya ang cellphone niya.” “Kung gano’n huwag kang magpapadala ng kahit anong text messages, malalaman nila na hindi siya si Allanah. Kailangan makakilos ng maayos ang kakambal niya upang malaman natin lahat kung si Hugo Conception, ang nasa likod ng pagtatangka.” “

