Isang email ang natanggap ni Aaliyah, galing iyon sa kakambal niya. “Kailangan kong magtungo ng Manila, parating ng bansa si Allanah. Pansamantalang sa bahay muna si Bratellanah, dahil nagkaroon daw ng emergency sa trabaho niya at kailangan na magtungo siya doon.” “G-Gano’n ba? Ahm… nasaan pala ang ama niya at hanggang kailan naman raw?” bigla siyang nakaramdam ng takot sa posibleng mangyari. Ngayon pa lang sila nagsisimulang magkaayos na dalawa at baka nagkaproblema pa. “Hindi ko na tinanong, isa pa hindi rin naman ako magtatagal sa Manila, huwag mo sanang pababayaan si Princess Nica.” “Baby, kahit hindi mo ipagbilin ang anak natin alagaan ko siyang mabuti. Saka hindi na magtatagal ay makakalakad na rin naman siya.” “Baka sa pagbalik ko ay isasama ko ang triplets.” “May pasok ang m

