Magmula ng may mangyari sa kanila ni Aaliyah, sa burol ay napansin niya ang pag-iwas sa kaniya nito. Kaya naman ay gagawin niya ang lahat upang tuluyan na silang maging okay. “Daddy, bakit nakangiti ka po?” “Ha? W-Wala naman anak, may na alaala lang ako at isa pa masaya ako dahil mabilis ang recovery mo.” “Ilang araw pa lamang tayo dito at parang gano’n pa rin naman po ako.” “Totoo ‘yon anak, kaya nga sobra ang saya ko ngayon dahil alam kong hindi magtatagal ay tuluyan na ang pag galing mo.” “Eh, bakit si Mommy ko po lagi kong nakikita na tahimik at nag-iisip?” “Gano’n ba? Hayaan mo anak at kakausapin ko siya sigurado ang mga jewelry shop ang nasa isipan niya.” “Baka nga po.” “Handa ka na ba sa pagpipinta mo?” “Opo, kaya pakidala mo na ako doon sa falls.” “Sure, my Princess.” Ka

