Hindi makalimutan ni Nikolai, ang nasaksihan sa parking ano ang tunay na relasyon ni Brian at Allanah, sa isa’t-isa? Kaya ang plano niyang lapitan ang kaibigan ay naudlot dahil sa nakita. Kaya ang ginawa ay umuwi ng bahay, hihintayin na lang muna niya ang tawag mula sa isang tauhan. “Akala mo siguro ay hindi ko alam ang pinaggagawa mo Nikolai. Ito lang ang sasabihin ko sa’yo, once na malaman ko na tinatarantado mo ako o may babae ka ay sisiguruhin ko na pagsisisihan mo. Huwag mo akong itulad sa mga babaeng dumaan sa buhay mo. Hindi ako mangingimi na dispatsahin sila, hindi pagbabanta ang sinasabi ko but I’m warning you kaya umayos ka!” “At sa akala mo natatakot ako sa’yo, malapit na kitang mabuking at pag dumating ang oras na iyon ay sisiguruhin ko na lalabas ka ng bahay ko na kahit isan

