“Saan kita ihahatid ngayon?” “Sa penthouse ko pero kailangan ko muna dumaan sa Manila hotel upang kunin ang mga gamit ko.” “Sa susunod na araw na lang pag maayos na ang pakiramdam mo.” “Sige ikaw ang bahala, halika na nasaan ba ang kotse mo?” “Nasa parking at hindi ka maaaring maglakad kaya sumakay ka muna dito sa wheelchair.” “Ano? Ayaw ko…kaya ko naman maglakad hindi ako imbalido para sumakay diyan.” “Bakit iyon ang iniisip mo, kaya kita pinasasakay ay nang hindi ka mabinat.” “Ayaw ko, alalayan mo na lang ako sa paglalakad, mas mabuti kaya ay sa labas ng entrance na lang kita hihintayin at kunin mo ang sasakyan doon sa parking.” “Ito na lang ang pinaka mabuti,” walang paalam na binuhat niya si Allanah. “Ano ba, ibaba mo nga ako?” “Huwag kang malikot at baka mabitawan kita, hum

