Napabalikwas siya nang bangon, hindi iyon ang kwarto niya sa Manila hotel. Tumayo at nagpalingalinga sa paligid at nakaramdam siya ng galit. Hinawi ang makapal na kurtina at tumambad sa paningin ang malaking pangalan. D’LA COSTA-MONTEMAYOR PRIVATE RESORTS, maganda ang tanawin ngunit hindi iyon ang tamang oras upang humanga sa kapaligiran. Nasaan siya at paanong napunta sa lugar na ‘yon? “Gising ka na pala magandang panauhin,” nakasandal si Nikolai sa hamba ng pintuan at matiim ang tingin sa babae. “Bakit ako naririto Mr. Jerk, anong kailangan mo at naisipan mong dalhin ako dito?” “Dito kita mamasahihin o tamang sabihin na dito tayong dalawa magmamasahihan Ms. Butt, my ass!” “What are you talking about?” “Allanah Araneta! Akala mo siguro ay naisahan mo na ako ano?” “Bakit hindi ba Mr.

