Kagigising lang ni Nikolai nang makatanggap ng tawag mula sa isang tauhan. Ayon dito ay ngayon ang dating ni Aaliyah De Lion, sa Ninoy Aquino International Airport. Agad na gumawa siya ng plano upang masiguro ang kaligtasan nito at hindi manganib sa kamay ng asawa. Kinuha niya sa ilalim ng kama ang bagong identification na gagamitin sa pagsundo kay Aaliyah. “Saan ka pupunta at masyado naman maaga upang magtungo ka sa opisina mo?” “May mahalaga akong aaisikasuhin at pwede ba huwag mo akong matanong nang ganyan? Hindi proke’t asawa kita ay nakabantay ka sa bawat kilos ko at lalong hindi kita binigyan ng karapatan upang kontrolin ang bawat galaw ko!” may pamamadali na siyang nagbihis dahil hangga’t maaari ay ayaw na niyang makipag talo pa sa asawa. Nakasuot lang siya ng casual at nagmamadal

